Mga nasabat na smuggled na bigas, ipamamahagi sa mga sinalanta ng TY Ompong

Kuha ni Erwin Aguilon

All set na ang Bureau of Customs (BOC) sa pagpapadala ng mga smuggled na bigas sa mga residenteng apektado ng Bagyong Ompong ngayong linggo.

Ayon kay BOC Commissioner Isidro Lapeña, kabilang sa ido-donate ang 14 na 20-footer containers na may lamang 7,000 sako ng bigas na nakumpiska sa Port of Cebu.

Sinabi naman ni BOC deputy commissioner for Assessment and Operations Coordinating Group (AOCG) Atty. Edward James Dy Buco, ang second batch na donasyon ay nakatakdang i-turn over ng kagawaran sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Noong Setyembre 13 bago ang pananalasa ng bagyo, ipinag-utos ni Finance Secretary Carlos Dominguez sa BOC na agad i-release ang nakumpiskang smuggled rice at iba pang food items sa DSWD na magsisilbing augmentation sa mga relief packs na ipapamahagi sa Northern Luzon at iba pang area.

Sa ilalim ng Section 1141 ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), ang mga nakumpiskang bigas at iba pang kontrabando na nakatakdang i-dispose ay maaaring i-donate sa iba pang ahensiya ng gobyerno sa pamamagitan ng pag-apruba ng Secretary of Finance.

Read more...