Malapit nang makumpleto ang konstruksyon ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).
Ayon sa Department of Transportation (DOTr) sa ngayon ay 98% nang kumpleto ang ginagawang terminal at inaasahang bubuksan na sa unang linggo ng Oktubre.
Sa sandaling mabuksan na ang terminal, lahat ng bus at IV Express na galing sa southern part gaya ng Batangas at Cavite ay sa naturang terminal na lamang magbababa at magsasakay.
Ang mga bus ay gagamitin ng ticketing system na mayroong QR codes na kayang basahin gamit ang smart phones.
Inaasahang aabot sa 200,000 commuters ang maseserbisyuhan ng PITX kada araw.
MOST READ
LATEST STORIES