Mahigit P650M jackpot sa Ultra Lotto hindi pa rin napanalunan

Hindi pa rin napanalunan ang mahigit 650 million pesos na jackpot prize sa Ultra Lotto 6/58.

Sa isinagawang draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office kagabi, wala pa ring nakakuha sa winning number combination na 4-35-50-8-48 at 44.

Sa ngayon umaabot na sa P650,886,268 ang kabuuang halaga ng jackpot prize.

Dahil wala pa ring nanalo kagabi, inaasahang lalaki pa ang naturang premyo sa susunod na Ultra Lotto draw sa Biyernes.

Samantala, wala ring nanalo sa 6/49 Lotto kagabi na mayroon namang jackpot prize na P42,357,000.

Walang nakakuha ng winning number combination na 16-20-15-43-07 at 17.

Read more...