Dahil sa ITCZ, may serye ng low pressure area (LPA) na binabantayan ang PAGASA kung saan ang isa ay posibleng maging bagong bagyo at pumasok ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Biyernes o Sabado.
Samantala, ang isang low pressure area naman sa labas din ng bansa ay papasok bukas ngunit unti-unti ring malulusaw.
Isang cloud circulation naman ang namataan loob ng PAR na magdadala ng maulap na kalangitan sa ilang bahagi ng bansa.
Ngayong araw, ang Metro Manila, MIMAROPA, CALABARZON, Bicol Region, Aurora at buong Visayas ay makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat.
Habang sa nalalabing bahagi ng Luzon at buong Mindanao ay makararanas ng maalinsangang panahon na may posibilidad lamang ng mga panandaliang pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.