Sen. Sotto may nais ipabago sa ‘Lupang Hinirang’

Iminungkahi ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na irebisa ang huling linya ng Lupang Hinirang dahil sa anya’y pagiging ‘defeatist’ nito o pagtanggap agad ng pagkatalo.

Sa deliberasyon ng Senado sa panukalang dagdagan ang sinag ng araw sa Philippine Flag, binanggit ni Sotto na ang huling dalawang linya ng pambansang awit na “Aming ligaya na ’pag may mang-aapi, ang mamatay nang dahil sa ‘yo”.

Sinabi ng senador na isa ring ‘composer’, na naiisip niyang palitan ang huling linya ng “ang ipaglaban ang kalayaan mo”.

Nilinaw naman ni Sotto na hindi niya ipinagpipilitan agad ang pagrebisa sa bahagi ng pambansang awit ngunit hinikayat ang mga kasamahan na pag-aralan ito.

Welcome kay Sen. Richard Gordon na siyang may-akda ng panukalang dagdagan ang sinag ng araw sa bandila ang suhestyon ni Sotto.

Ang Lupang hinirang ay binuo ni Julian Felipe noong 1898 at nilapatan ng titik ni Jose Palma.

Read more...