Posibleng abutin ng 21 araw o hanggang Oktubre ang search, rescue at retrieval operation sa landslide area sa Itogon, Benguet.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 3 araw matapos lumabas ang Bagyong Ompong, nasa 18 katao ang kumpirmadong patay sa mine site habang mahigit 50 ang nawawala.
Sinabi ni NDRRMC spokesperson Edgar Posadas na nagtalaga sila ng mga rescuers na magsasagawa ng operasyon sa lugar sa loob ng 21 araw.
Ipinaubaya ng ahensya sa mga ground commanders at lokal na pamahalaan kung itutuloy pa o ititigil na ang paghahanap kung may nakaligtas pa o mga bangkay na ang kanilang matagpuan.
Ikinukunsidera rin ng NDRRMC sa operasyon ang panahon dahil sa susunod na mga araw ay posibleng may bagong bagyo na pwedeng makaapekto sa trabaho ng mga rescuers.