Sa tala ng PNP, karamihan ng casualties ay mula sa Cordillera Administrative Region (CAR) na may 68 patay.
Sumunod ang Region 1 na 10 ang patay, Region 2 na 2 ang nasawi at tig-isa sa Region 1 at National Capital Region (NCR).
Karamihan ng missing persons ay mula rin sa CAR kung saan 68 ang nawawala habang 2 ang nawawala sa Region 1 at sa NCR ay 1.
Ayon sa PNP, ang landslides sa Benguet dahil sa malakas na ulan at hanging dala ng Bagyong Ompong, lalo na sa Baguio at Itogon, Benguet, ang dahilan ng lumubong death toll sa CAR.
Batay sa huling tala, na 49 ang bilang ng nasawi sa landslide sa Itogon, Benguet, 11 sa Baguio City, 6 sa Mountain Province, tatlo sa La Trinidad, Benguet, isa sa Tuba, at isa rin sa Kalinga.
Habang tumatagal ay lumiliit ang tsansa na may mailigtas pa sa landslide kung saan hanggang Martes ay nasa 16 na ang narekober na bangkay.