Small-scale mining sa Itogon, hindi kinukunsinti — Benguet Corporation

Itinanggi ng Benguet Corporation na kinunsinti nila ang small-scale mining sa Itogon na sinisisi ngayong dahilan ng pagkamatay ng maraming tao kasabay ng pananalasa ng Bagyong Ompong.

Ayon sa Benguet Corporation, iligal na nagmimina ang mga minero sa lugar kung saan sinuspinde na ang aktibidad mula pa noong 1990.

Mali anila ng akusasyon na inilagay nila sa peligro ng buhay ng mga small-scale miners dahil pinayagan silang mag-operate sa kanilang property.

Sa katunayan ay inuna umano ng kumpanya na tulungan ang mga biktima at tumulong sa search, rescue at retrieval operation.

Dagdag ng Benguet Corporation, ang mga minero, na ang mga tirahan ay nabagsakan ng gumuhong lupa, ay iligal na nag-ooperate sa Antamanok open pit mine ng kumpanya.

Wala umanong permiso sa kumpanya ang iligal na mining at gold processing activities sa lugar.

Read more...