Operasyon ng CPP matatapos na sa 2019 — Pangulong Duterte

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na mawawala na umano ang mga komunistang rebelde sa susunod na taon.

Sa briefing sa Isabela matapos ang Bagyong Ompong, sinabi ng Pangulo na matatapos na ang operasyon ng Communist Party of the Philippines (CPP) sa ikalawang kwarter ng 2019.

Ayon kay Pangulong Duterte, marami na kasing sumusukong mga rebelde sa gobyerno.

Noong Nobyembre ay inihinto ng Pangulo ang peace talks sa CPP at armed wing nito na New People’s Army (NPA).

Kahit walang usapang pangkapayapaan, umapela ang Pangulo sa mga komunista na sumuko at nag-alok ito ng pabahay at trabaho.

Dagdag ni Duterte, bumababa na sa bundok ang mga rebelde at isinusuko na nila ang kanilang mga armas sa gobyerno.

Giit ng Pangulo, malaking balakid sa pag-unlad ng bansa ang insurgency at terorismo.

Read more...