Pamilya Castillo nagpapasaklolo sa Vatican sa kaso ni Atio

Kuha ni Cyrille Cupino

Humihingi na ng tulong ang mga magulang ng hazing victim na si Horacio ‘Atio’ Castillo III sa Vatican kaugnay sa kaso ng kanilang anak.

Ayon kay Carminia, nanay ni Atio, nagpadala sila ng liham sa Santo Papa upang imbestigahan ang kawalan ng aksyon ng University of Santo Tomas (UST) sa pagkasawi ng kanilang anak.

Ang UST ay isang pontifical university na direktang nasa superbisyon ng Santo Papa.

Ayon kay Carminia, noong Agosto pa natanggap ng Papal Nuncio ang kanilang liham.

Giit nito, dapat alam ng UST ang mga nangyayari sa loob ng kanilang pamantasan kabilang ang recruitment ng mga fraternity at sorority.
Nasawi si Atio noong September 17, 2017 matapos ang hazing rites ng Aegis Juris Fraternity.

Sampung miyembro na ng grupong ito ang nakakulong sa Manila City Jail.

Read more...