Palasyo kumpyansang makakabawi ang Piso ngayong holiday season

Tiwala ang Palasyo ng Malacañang na makakabawi ang piso kontra US dollar ngayong holiday season.

Ito ay matapos pumalo sa P54 ang palitan at posible pang bumulusok sa P58 level batay sa ulat ng Capital Economics.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kadalasang lumalakas ang piso tuwing Disyembre dahil mas malaking pera ang ipinapadala ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa kanilang mga pamilya sa bansa.

Dahil anya sa malaking remittances na ito ay makakabawi ang piso.

Nauna nang pinabulaanan ng economic managers ng administrasyon na papalo pa sa P58 ang palitan ng piso at dolyar.

Read more...