Nasa Pyongyang na si South Korean President Moon Jae-in para sa ikatlong summit nila ni North Korean leader Kim Jong Un.
Sinalubong ni Kim si Moon sa paliparan ng Pyongyang.
Binigyan din ng militar welcome si Moon at kaniyang asawa at daan-daang katao ang luminya sa paliparan bitbit ang North Korean flags para ipakita ang pag-welcome sa lider ng South Korea.
Ito ang maituturing na unang pagbisita ng South Korean leader sa Pyongyang makalipas ang isang dekada.
Ito rin ang ikatlo nang summit sa pagitan ng dalawang lider.
Inaasahang maliban sa denuclearization ay may matatalakay din na may kaugnayan sa pamumuhunan.
Kasama kasi ni Moon sa pagbisita sa Pyongyang ang mga business tycoon kabilang ang Samsung heir na si Lee Jae-yong at ang vice chairman ng Hyundai Motor.