2 drug suspects patay sa shootout sa Cavite

Inquirer file photo

Patay ang dalawang drug suspects sa engkwentro na naganap sa lalawigan ng Cavite.

Ayon sa Cavite Police Provincial Office, tinangka ng suspek na si Mico Andres Armilla na takasan ang mga pulis na aaresto sa kaniya sa bahagi ng Barangay Salawag sa Dasmariñas City.

Wanted sa kasong may kinalaman sa ilegal na droga si Armilla at nang siya ay aarestuhin ay pinaputukan niya ng baril ang mga pulis dahilan para gantihan siya ng putok ng mga ito.

Sa General Trias City naman sa Cavite, isa pang drug suspek na kinilala lamang sa alyas na “Mase” ang nasawi sa isang buy-bust operation.

Nakatunog umano si Mase na pulis ang kaniyang katransaksyon kaya nagpaputok din ito ng baril.

Naunahan naman siya ng putok ng mga pulis na kaniyang ikinasawi.

Naaresto naman ang kasamahan ni Mase na si Samad Unda Bacaraman.

Nakuha mula sa mga suspek ang isang 38 caliber na baril at 11 sachet ng hinihinalang shabu.

Read more...