2 drug suspects arestado sa Lucena City

Arestado ang dalawang drug suspects sa magkahiwalay na operasyon na ikinasa ng mga otoridad sa Lucena City.

Ayon kay Supt. Romulo Albacea, Lucena police chief, nadakip ang suspek na si Louie Abalye sa Barangay 4 pasado alas 5:00 ng madaling araw.

Nakuha mula sa kaniya ang siyam na sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang aabot sa P3,000 ang halaga.

Makalipas ang isang oras, naaresto naman ang suspek na si Moises Tenorio sa parehong barangay.

Nakuhanan naman si Teniorio ng anim na plastic sachet ng shabu na P1,200 ang halaga.

Ang dalawa ay kapwa nasa drugs watch list ng pulisya.

Read more...