Serbisyo Maynilad balik-normal na

By Dona Dominguez-Cargullo September 18, 2018 - 10:22 AM

Balik na sa normal ang serbisyo ng Maynila matapos na luminaw na ang raw water mula sa Ipo Dam.

Ayon sa abiso ng Maynilad kinansela na nila ang dapat ay ipatutupad na rotational water availability schedules ngayong araw, Sept. 18.

Sa kabila nito, inaabisuhan pa rin ang mga customer na maaring maging mahina pa rin ang water pressure.

Pinayuhan din ang mga costumer na hayaang dumaloy ang tubig sa kanilang mga gripo ng ilang segundo hanggang sa ito ay luminaw.

Nag-abiso din sa mga costumer ang Maynilad na ugaliin pa ring mag-imbak ng tubig dahil ang nararanasang pabago-bagong lagay ng panahon ay maaring makapagpalabo pa rin sa raw water sa Ipo Dam.

 

TAGS: Ipo dam, maynilad, Radyo Inquirer, Water supply, Ipo dam, maynilad, Radyo Inquirer, Water supply

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.