Richard Yap pinag-iisipan ang pagpasok sa pulitika

Aminado ang aktor na si Richard Yap na pinag-iisipan niyang maigi ang posibilidad na pumasok sa pulitika.

Sa isang press conference kahapon, sinabi ng Kapamilya actor na mayroong offer sa kanya na tumakbo bilang kongresista ng North District ng Cebu.

Sa katunayan, ani Richard, matagal na siyang inaalok na tumakbo sa kanilang lugar, kung saan siya ipinanganak at lumaki, ngunit hindi niya ito tinanggap.

Nanggaling ang alok sa Barug Team Rama ni dating Cebu City Mayor Michael Rama.

Sa ngayon ay hindi pa desidido si Richard at patuloy na pinag-iisipan ang pagtakbo para sa 2019 midterm elections.

Read more...