Albyalde, sinibak ang mga opsiyal sa North Cotabato at GenSan dahil sa naganap na pagsabog

Sinibak sa pwesto ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde ang Chief of Police ng Midsayap, North Cotabato at ang station 2 commander sa General Santos City kasunod ng pagsabog sa naturang mga lugar kahapon.

Ayon kay PNP Spokesperson Sr. Supt. Benigno Durana, tinanggal si Chief Inspector Patrich Elma, Station 2 Commander ng General City Police Office.

Si Elma ay pinalitan ni Sr. Insp. Davis Dulawan.

Sinibak din si Supt. Samuel Cadungon, Chief of Police ng Midsayap Municipal Police Station at pinalitan ito ni Supt. Joan Maganto.

Nasugatan sa pagsabog ng bomba sa botika malapit sa Hadano Park sa Crossing Makar, national highway sa GenSan sina Jeslly Yvonne Guyos, Anthon Faller Claire Uozoia, Joana Bliss Alipio, Ially Jean Alipio, John Lenong Calong, Felipa Abella Regios at Marlon Yadao Orabia.

Nagkaroon din ng pagsabog sa isang videokehan sa Poblacion 4 sa Midsayap pero walang naiulat na casualty.

Ayon sa pulisya, mayroong tatlong suspects sa mga pagsabog.

Paalala naman ni Albayalde sa mga regional director sa Mindanao, tugisin ang mga suspects at paigtingin ang kanilang intelligence gathering.

May apat anyang grupo na nag-uunahang makakuha ng pagkilala mula sa ISIS.

Galing anya ang mga sa isang main group pero may sub groups at may iba-ibang lider.

Read more...