M3.1 na lindol tumama sa Davao Occidental

Niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang bayan ng Jose Abad Santos sa Davao Occidental, hatinggabi ng Martes.

Naganap ang lindol bandang alas-12:57 ng madaling araw.

Ayon sa PHIVOLCS, naitala ang episentro ng lindol sa 103km timogsilangan ng Jose Abad Santos.

May lalim itong 97km at tectonic ang pinagmulan.

Wala namang inaasahang anumang pagkasira sa mga ari-arian o aftershocks ang naturang lindol.

Read more...