Mga magsasaka sa Cagayan pinatutuyo na ang mga inaning palay at mais

Matapos ang hagupit ng bagyong Ompong, ang mga magsasaka ng lalawigan ng Cagayan ay nagsimula nang magbilad ng kanilang mga inaning palay at mais.

Sa bayan ng Iguig, naabutan ng Radyo Inquirer ang mga magsasaka na nag-aayos ng kanilang binilad na mga aning mais.

Mga palay naman ang ibinibilad sa daan ng mga magsasaka sa bayan ng Baggao.

Sa nasabing bayan naglandfall ang bagyong Ompong ganap na ala-1:40 ng madaling araw noong Sabado.

Sinasamantala ng mga magsasaka ang init ng araw upang patuyuin ang kanilang inaning palay at mais.

Ayon sa mga magsasaka gagamitin nila ang mapagbebentahan dito upang makaahon sa delubyong idinulot ng bagyo.

Ang mga ito ay inani nila bago pa man manalasa ang super typhoon Ompong sa lalawigan.

Sa kabuuan ng lalawigan aabot sa P4.6M halaga ang iniwang pinsala sa agrikultura.

Read more...