AFP, iginagalang ang hatol ng korte kay Palparan

PALPARAN ARRESTED/ AUGUST 12,2014
INQUIRER PHOTO/JOAN BONDOC

Iginagalang ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at susundin ang hatol ng korte kay Dating General Jovito Palparan at iba pang mga dating opisyal ng militar.

Ayon kay AFP Spokesperson Col. Edgard Arevalo, lagi anyang posisyon ng militar ang pagsunod sa utos ng korte at paggalang sa rule of law.

Sa ngayon ay hinihintay ng AFP ang kopya ng desisyon ng korte.

Irerespeto rin naman ng AFP ang anumang legal action ng kampo ni Palparan.

Read more...