Guilty verdict kay Palparan, ‘painfully long overdue’ ayon kay Rep. Zarate

Ang hatol na guilty kay Retired General Jovito Palparan at dalawa army officials dahil sa pagkawala ng dalawang estudyante ng University of the Philippines ay itinuring ng isang mambabatas na “painfully long overdue.”

Ayon kay Bayan Muna Rep. Carlos Zarate, dapat na magsilbing matinding babala ang hatol ng korte sa ibang lumalabag sa karapatang pantao.

Ang desisyon anya ay magandang balita para sa human rights community, mga tagapagtanggol ng karapatang pantao at mga biktima at pamilya ng human rights violation.

Samantala, sinabi ni kabataan Rep. Sarah elago na kahit may conviction na si Palparan, hindi matatapos ang kampanya laban sa culture of impunity.

Nananatili anyang may mga biktima ng pag-abuso at biglaang pagkawala lalo na’t nasa pwesto ang sinasabing mga protektor ng gaya ni Palparan.

Read more...