Bilang ng patay sa Itogon landslide umabot na sa 34

Photo: Randy Evangelista

Umakyat na sa 34 ang bilang ng mga bangkay na nakuha ng mga otoridad sa gumuhong lumang mining site sa bayan ng Itogon sa lalawigan ng Benguet.

Sinabi ni Itogon Mayor Victorio Palangdan na posibleng umabot sa 90 katao ang natabunan makaraang gumuho ang isang simbahan at mga barong-barong sa lugar sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Ompong.

Sa kasalukuyan ay nasa mahigit sa 50 katao pa ang kanilang hinahanap sa lugar.

Pahirapan pa rin ang isinasagawang retrieval operation dahil sa kapal ng putik sa lugar.

Kahapon ay naglabas na rin ng utos si Environment Sec. Roy Cimatu na kanselado na ang lahat ng mga permit sa mga small mining operations sa Cordillera Autonomous Region.

Sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ay umakyat na sa 65 ang death toll sa nasabing bagyo.

Sa kasalukuyan ay nasa Benguet Capitol Building sa bayan ng La Trinidad si Pangulong Rodrigo Duterte para tumanggap ng briefing sa mga lokal na opisyal sa lalawigan kaugnay sa lawak ng pinsala sa buong lalawigan.

Read more...