Sa inilabas na statement ng Gulf carrier, sinabi nito na iniiwasan muna ng Emirates ang pagbiyahe sa Sinai Peninsula hanggang sa makakalap sila ng karagdagang impormasyon ukol sa naganap na trahedya.
Dagdag pa Emirates Airlines na sa kasalukuyan ay patuloy nilang minomonitor ang sitwasyon.
Ang Airbus A321 ay may sakay na 214 Russians at tatlong Ukranian passengers at pitong crew.
Noong Sabado, nauna nang inunsyo ng Air France at Lufthansa na pansamantala nilang ititigil ang pagbiyahe sa Sinai Peninsula bilang precaution habang iniimbestigahan ang Russian plane crash.
Inako ng Islamic State o IS group affiliate sa Egypt ang pagpapabagsak sa eroplano, subalit hindi binanggit kung papaano ito ginawa.
Pero ayon sa transport minister ng Russia, hindi raw ito maituturing na ‘accurate’, habang sinabi ng isang Egyptian security official na ang pagbagsak ng eroplano ay hindi dahil sa pag-atake.