Mahigit 26,000 nananatili sa mga evacuation center sa CAR

Mahigit 26,000 na katao pa o 7,709 na pamilya ang nananatili sa mga evacuation center sa buong Cordillera Administrative Region o CAR.

Ayon sa datos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) – CAR, sa kabuuan nasa 26,492 na indibidwal pa ang nananatili sa 26 na mga evacuation center.

Umabot kasi sa 32 mga bahay ang nawasak at 428 naman ang nagtamo ng partial damage.

Sa kabuuan, mabot sa 35,198 ang bilang ng mga naapektuhan ng Typhoon Ompong sa iba’t ibang lalawigan sa CAR.

Kabilang sa mayroon pang mga evacuees ay mga lalawigan ng Kalinga (10,615); Apayao (9,320); Abra (5,988); Baguio City (3,679); Benguet (2,812) Ifugao (1,575) at Mt. Province (1,209).

Ayon sa DSWD-CAR, nakapagbigay na ng P3,785,523 na kabuuang halaga ng tulong ang DSWD at local government unit sa mga naapektuhang residente.

Ang mga ipinagkaloob n atulong ay kinabibilangan ng family food packs, sleeping kits, at hygiene kits.

Read more...