Consular Offices ng DFA na nagsara dahil sa TY Ompong, balik-operasyon na ngayong araw

Magbubukas na ngayong araw ang mga consular office ng Department of Foreign Affairs (DFA) na naapektuhan ng bagyong Ompong.

Ayon sa abiso ng DFA, ang lahat ng passport applicants na mayroong kumpirmadong appointments mula September 13 hanggang 15, 2018 sa sumusunod na Consular Offices ay ia-accommodate mula September 17 hanggang 28.

• DFA Aseana
• DFA NCR West – SM Manila
• DFA NCR Northeast – Ali Mall
• DFA NCR South – Alabang
• DFA NCR North – Novaliches
• DFA NCR East – SM Megamall
• Angeles, Pampanga
• Baguio City
• Calasiao, Pangasinan
• San Fernando, Pampanga
• San Fernando, La Union
• Santiago, Isabela
• San Nicolas, Ilocos Norte
• Tuguegarao, Cagayan

Pinayuhan ang lahat ng aplikante na dalhin ang print out ng kanilang confirmed online appointments.

Ang nasabing mga Consular Office ay tatanggap lamang din ng Courtesy Lane facility hanggang alas dose ng tanghali mula Sept. 17 hanggang 21 para mabigyang daan ang mga aplikante na naapektuhan ng ilang araw na suspensyon ng operasyon.

Read more...