Ridge of high-pressure area magdudulot ng maalinsangang panahon sa bansa – PAGASA

Magiging maaliwalas na ang panahon ngayong araw sa malaking bahagi ng bansa.

Sa weather forecast ng PAGASA, ridge ng high pressure area na lamang ang umiiral sa northern Luzon.

Dahil dito, ang Metro Manila, nalalabing bahagi ng Luzon, ang buong Visayas at Mindanao ay makararanas ng maaliwalas na panahon na mayroon lamang isolated na pag-ulan dulot ng thunderstorms.

Wala ring sama ng panahon na binabantayan ang PAGASA ngayong araw na papalapit sa bansa.

Samantala sa inilabas na thunderstorm advisory ng PAGASA alas 6:13 ng umaga ay nakararanas ng malakas na pag-ulan na may pagkulog at pagkidlat sa Laguna, Rizal, Batangas at Nueva Ecija.

Ang nasabing lagay ng panahon ay mararanasan din sa General Nakar, Infanta, Real, Mauban, Sariaya at Sampaloc sa lalawigan ng Quezon at sa Dona Remedios Trinidad sa Bulacan.

Read more...