Korean kidnap victim, natagpuang patay sa Patikul, Sulu!

koreanPatay na nang matagpuan ng isang residente ng Patikul, bandang alas diyes y media ng gabi, Oktubre 31, ang dinukot na Koreanong si Nwi Seong Hong, sitenta (70) anyos, sa may Sulu State College, Capitol Complex, Brgy. Bangkal, Patikul, Sulu.

Agad na dinala ng mga rumespondeng PNP Scene of the Crime Operatives ang bangkay sa Camp General Teodulfo Bautista trauma hospital kung saan nakumpirmang si Hong nga ito.

Hindi nakitaan ng bala ang katawan ng biktima, bagay na nagkumpirma rin sa mga ulat na namatay ito sa sakit.

Noong nakaraang linggo ay namataan ang ilang bandidong Abu Sayyaf Group sa bayan ng Jolo na bumibili ng gamot para sa biktima.

Dinukot si Hong at ang anak nitong lalaki ng Indanan-based ASG na pinamumunuan ni Idang Susukan at Anga Adji sa Brgy. Poblacion, RT Lim, Zamboanga Sibugay Province noong Enero 24, 2015.

Nakatakas ang anak ni Hong mula sa mga dumukot sa kanila.

Ayon kay BGen Alan R. Arrojado ng Joint Task Group Sulu, agad na dadalhin sa Zamboanga City ang bangkay ni Hong upang maiuwi na sa pamilya nito.

Read more...