Volunteer Reporter ng DWIZ, patay sa pamamaril!

mediakilingsPatay ang isang volunteer reporter sa radyo nang pagbabarilin sa Quezon City.

Kinilala ang biktima na si Jose Bernardo ng DWIZ.

Nangyari ang pamamaril sa tapat ng isang restaurant sa North Olympus sa Brgy. Kaligayahan sa Quezon City.

Ayon sa mga saksi, nakalayo ang biktima sa harapan ng naturang restaurant nang tambangan ng dalawang lalake na sakay ng isang motorsiklo. Tinamaan ng bala sa ulo at iba pang bahagi ng katawan.

Nadamay sa insidente ang isang empleyado ng restaurant na si Marlon Donio na tinamaan din ng bala ng baril.

Kasalukuyang nasa Bernardino Hospital sa Novaliches si Donio. Basyo ng caliber .45 ang nakuha ng mga imbistigador at ito ay sinusuri na sa PNP-Crime Lab.

Read more...