DOLE handang tulungan ang mga manggagawa na naapektuhan ng Bagyong Ompong

Handang magbigay ng tulong ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga manggagawa na naapektuhan ng Bagyong Ompong.

Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III, ang tulong ay sa pamamagitan ng emergency employment program.

Sa isang pahayag, sinabi ng kalihim na nakadepende ang tulong sa pangangailangan ng mga komunidad.

Patuloy anya ang assessment ng mga kagawaran na nasa kanyang pamumuno sa mga lugar na naapektuhan ng bagyo partikular sa mga lalawigan ng Cagayan at Isabela.

Samantala, hinikayat din ni Bello ang mga pamilya ng overseas Filipino workers (OFWs) na naaapektuhan ng bagyo na tumungo sa tanggapan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa kanilang mga rehiyon at mag-apply para sa financial assistance.

Giit ng kalihim, may pondo ang OWWA na mas malaki sa pondo mismo ng DOLE.

Read more...