Napatay ang isang lider ng New People’s Army (NPA) matapos makaengkwentro ang mga sundalo sa Barangay Batasan, sa bayan ng Makilala, North Cotabato.
Kinilala ang nasawing lider ng NPA na si Jacob Rodinas, alyas Jecko at kilala rin sa tawag na Velum, na kalihim ng Guerrilla Front 51.
Ayon kay Lieutenant Colonel Rhojun Rosales, commander ng 39th Infantry Battalion ng Philippine Army, mayroong pending warrant of arrest si Rodinas para sa salang arson, extortion, homicide, at murder.
Nabatid pa na kasama ni Rodinas si Juanito Pueblas alyas Taghoy na mga lider ng GF-51 ng NPA.
Nauna nang napatay si Pueblas noong July 21 sa bayan ng Sta. Cruz, Davao del Sur.
MOST READ
LATEST STORIES