Inanunsyo ng Estados Unidos at Australia ang ibibigay nitong humanitarian aid sa Pilipinas bunsod ng pananalasa ng Bagyong Ompong.
Sa isang pahayag sinabi ni Australian Foreign Minister Marise Payne na magbibigay ang kanilang bansa ng humanitarian supplies na nagkakahalaga ng 800,000 Australian dollars.
Kabilang sa mga gamit ay para sa emergency response, sleeping mats, blankets, shelter kits at hygiene supplies na ibibigay sa hanggang 25,000 katao sa pinakanasalantang lugar.
Samantala, sa pamamagitan naman ng United Nations World Food Programme (UNWFP) ay magbibigay ang United States Agency Aid for International Development (USAID) ng 1,000 metric tons sa Northern Luzon.
Sa pahayag ng US Embassy sa maynila, sinabi nitong nakikipag-ugnayan na sila sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Sinabi rin ng UNWFP na tumulong sila sa paghahanda ng gobyerno para sa bagyo sa pamamagitan ng pagpre-position ng generators, storage tents at iba pang equiments sa mga warehousing WFP sa Luzon.