Sugar planters pumayag na babaan ang benta ng refined sugar at importation ng asukal

Suportado na ng mga sugar planters ang nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na mag-angkat ng asukal.

Sa kanyang Facebook page ay inanunsyo ni Department of Agriculture (DA) Secretary Manny Piñol na pumayag ang mga sugar planters na babaan ang presyo ng refined sugar sa P48 kada kilo.

Ayon pa kay Piñol, ang pagbabago ng isip ng mga sugar planters ay upang ipakita ang kanilang suporta sa ginagawang hakbang ng pangulo upang bumaba na presyo ng mga pangunahing bilihin.

Sumangayon na rin aniya ang mga sugar planters sa planong pag-aangkat ng bansa ng asukal na aabot sa 300,000 metriko tonelada para sa consumer market.

Ani Piñol, inanunsyo ng sugar planters ang kanilang decision sa isang dinner meeting kasama si Senador Juan Miguel Zubiri noong nakalipas na Huwebes.

Ayon sa representative ng Sugar Regulatory Administration (SRA) Board na si Dino Yulo, bagaman kumpyansa silang sapat ang supply ng asukal sa bansa, pumayag silang mag-angkat ng asukal ang pamahalaan upang hindi na maulit ang scenario na nagaganap ngayon sa bigas.

Pagtitiyak pa nito, makakasiguro ang pangulo na ang mga sugar farmers ay suportado ang kanyang mga hakbang.

Read more...