M3.8 na lindol naitala sa Davao Occidental

Niyanig ng magnitude 3.8 na lindol ang bahagi ng Davao Occidental alas-12:04 ng hatinggabi.

Naitala ang episentro ng lindol sa layong 87 kilometro Timog-Silangan ng Jose Abad Santos.

May lalim ang pagyanig na 124 kilometro at tectonic ang dahilan.

Hindi naman inaasahan ang pinsala sa mga ari-arian at aftershocks.

Read more...