M3.1 lindol naramdaman sa Biliran

Niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang bayan ng Maripipi, Biliran kaninang alas-9:10.

Sa abisong inilabas ng PHIVOLCS, nakasaad na naitala ang episentro ng lindol sa layong 16km kanluran ng nabanggit na bayan.

May lalim lamang itong 8km at tectonic ang pinagmulan.

Walang inaasahang aftershocks o anumang pagkasira sa mga ari-arian ang naganap na pagyanig.

Read more...