Kalinga isinailalim sa state of calamity

Isinailalim na ang buong lalawigan ng Kalinga sa state of calamity dahil sa pinsalang dulot ng bagyong Ompong.

Nagmula mismo ang deklarasyon sa gobernador ng probinsya na si Governor Jocel Baac.

Aniya, dahil sa pananalasa ng bagyong Ompong sa lalawigan, nakapagtala na sila ng mahigit P1 bilyong halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura.

Dagdag pa ng gobernador, isa na ang naitalang nasawi mula sa kanilang lalawigan sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyo.

Read more...