Bayan sa Davao Oriental niyanig ng M3.1 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang bayan ng Manay, Davao Oriental, Linggo ng hapon.

Batay sa abiso ng PHIVOLCS, naganap ang lindol kaninang alas-5:08 ng hapon.

Naitala ang episentro ng lindol sa 27km hilagangsilangan ng bayan ng Manay.

May lalim itong 71km at tectonic ang origin.

Walang inaasahang anumang pagkasira sa mga ari-arian o aftershocks ang naturang lindol.

Read more...