Ito ay bunsod pa rin ng mga natumbang poste at naputol na communication lines sa pananalasa ng Bagyong Ompong.
Ayon sa Ilocos Norte Electric Cooperative, hindi pa tiyak kung kailan maibabalik ang kuryente sa mga residente.
Dahil dito, nag-alok ng libreng tawag at charging station ang Smart Telecommunications Co. at The Philippine Long Distance Telephone Co. sa Laoag at San Nicolas.
Sa kabuuan, umabot sa 10,596 na residente ang inilikas mula sa dalawang lungsod at 19 na bayan.
Patuloy naman ang abiso ng provincial government sa mga residente na nakatira sa coastal areas na maging alerto sa posibleng storm surge.
MOST READ
LATEST STORIES