Bilang ng mga apektado ng malaria outbreak sa Indonesia, umabot na sa 137

Inquirer file photo

Hindi bababa sa 137 na katao ang apektado ng malaria outbreak sa West Lombok, Indonesia.

Ito ay matapos maramdaman ang ilang serye ng lindol sa lugar sa mga nakalipas na buwan.

Kabila sa naturang bilang ang ilang sanggol at mga buntis.

Batay sa tala, doble ang itinaas ng bilang ng mga kaso ng malaria sa lugar kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Dahil dito, posibleng magdeklara ng health emergency ang West Lombok government dahil sa nasabing sitwasyon.

Oras na ipatupad nito, magkakaroon ng 3.4 billion rupiah o $230,000 na tulong-pinansyal ang lugar mula sa provincial at central government para talakayin ang krisis.

Ayon naman kay Fauzan Halid, pinuno ng West Lombok regency, mayroon lang silang 3,000 mosquito nets ngunit 10,000 nito ang kailangan ng lugar.

Samantala, nagsasagawa na rin ng hakbang ang gobyerno ng Indonesia para maiwasan ang pagkalat ng sakit.

Read more...