NDRRMC, nilinaw na walang rescuer na namatay sa CAR

Nilinaw ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na walang namatay na rescuer taliwas sa naunang ulat na may dalawang rescuer ang nasawi habang rumeresponde sa isang insidente ng landslide sa Cordillera Administrative Region (CAR) dahil sa Bagyong Ompong.

Unang inulat ni NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad ang balita sa isang press briefing kasama si Presidential Spokesperson Harry Roque.

Ayon sa inilabas na pahayag ng NDRRMC, bineripika ni Jalad na walang rescuer ang namatay sa naturang rehiyon.

Humingi ng paunmanhin si Jalad para sa naidulot na kalituhan ng unang ulat.

Lahat ng nai-deploy na mga rescuer para sa pananalasa ng Bagyong Ompong ay na-account na.

Ang dalawang responder na naunang napaulat ay mga police officer.

Matapos ang accounting ng mga rescuer kabilang na ang mga police officers maging ang mga miyembro ng bawat team ay lumabas na nasa maayos at ligtas ang mga ito.

Read more...