Nanawagan ng tulong ang Caritas Manila para sa mga nasalanta ng Bagyong Ompong.
Ang mga donasyon ay maaring cash o in-kind.
Ang mga cash donation ay maaring maideposit sa :
Account Name: Caritas Manila, Inc. BDO Savings Account: 5600-45905
BPI Savings Account: 3063-5357-01
Metrobank Savings Account: 175-3-175069543
Maari ding mag-deposit sa kahit saanmang branch ng Cebuana Lhuiller.
Ayon sa Caritas Manila, higit na kinakailangan ang mga food items tulad ng mga ready-to-eat items, canned goods, noodles, mga pagkaing madaling mailuto.
Pagdating naman sa iba pang kailangan ng mga nasalanta ay ang tubig, mga bagong underwear, hygiene kits, damit, mga towel, kumot at banig.
Ang mga donasyon ay maaring dalhin sa opisina ng Caritas Manila sa 2002 Jesus St. Pandacan, Manila.
Ang Caritas Manila ay ang social action arm ng Archdiocese of Manila.