7,146 Law graduates sasabak sa bar exams sa Nobyembre

Photo by Tetch Torres, Inq.net
Photo by Tetch Torres, Inquirer.net

Nasa kabuuang 7, 146 ang inaprubahan ng Supreme Court para kumuha ng bar exams sa apat na linggo ngayong buwan ng Nobyembre sa University of Sto. Tomas.

Ayon sa Office of the Bar Confidant, simula alas singko ng umaga pa lamang ay bubuksan na ang España gate ng UST at sasaraduhan ng tatlumpong minuto bago ang oras ng pagsusulit.

Sinabi ng OBC na ang kabiguan ng bar examinee na kumuha ng isang subject ay hindi na ito papayagang kumuha ng natitira pang asignatura para sa bar exams.

Noong Enero ng kasalukuyang taon, nagpasya ang Supreme Court na ilipat sa buwan ng Nobyembre ang pinakamahirap na pagsusulit sa bansa mula sa buwan ng Oktubre dahil sa pagbabago sa academic calendar.

Ito na ang ika-114 na bar exam sa bansa kung saan ang chairperson ngayong taon ay si Supreme Court Associate Justice Teresita Leonardo De Castro.

Read more...