Suplay ng kuryente sa Cagayan, matagal pa maibabalik

Kuha ni Erwin Aguilon

Matatatagalan pa bago maibalik ang supply ng kuryente sa lalawigan ng Cagayan.

Ayon kay Sec. Francis Tolentino, nakausap niya ang mga tauhan ng National Grid Corporation at Cagayan Electric Cooperative, limang araw pa maaring maibalik sa normal ang kuryente sa lalawigan.

Ito aniya ay dahil sa mga natumbang poste ng kuryente at naputol na kawad.

Nagsasagawa pa aniya ng assessment ang mga taga-NGCP at electric cooperative sa mga linya ng kuryente.

Sa usapin ng komunikasyon, sinabi ni Tolentino na unti-unti ng naibabalik ang signal ng cellphone pero minsan at nawawala pa rin.

Read more...