Tumama ang magnitude 4.6 na lindol sa Davao Oriental, Linngo ng umaga.
Batay sa inilabas na impormasyon ng Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa layong 7 kilometers South ng bayan ng San Isidro.
Niyanig ang San Isidro bandang 8:03 ng umaga.
May lalim itong 5 kilometers at tectonics ang pinagmulan.
Gayunman, walang napaulat na pinsala sa lugar.
Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.
MOST READ
LATEST STORIES