DSWD nananawagan ng volunteers para tumulong sa pagrepack ng relief goods

Nanawagan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng volunteers para tumulong sa pagrepack ng relief goods.

Ito ay bilang bahagi ng relief operations ng gobyerno para sa mga nasalanta ng Bagyong Ompong.

Sa pahayag ng kagawaran, maaaring magtungo ang mga nais mag-volunteer sa DSWD National Resource Operations Center sa Brgy. 195, Chapel Road, Pasay City.

Kailangang gumugol ng apat na oras ng volunteers kasama na ang orientation at deployment.

Mayroon namang breaks.

Inabisuhan ang mga nais magboluntaryo na magsuot ng mga damit na komportable at closed shoes.

Read more...