Naglabas na ng disaster declaration si US President Donald Trump para sa North Carolina bunsod ng hagupit ng Hurricane Florence.
Lima na ang naitatalang nasawi at halos isang milyong kabahayan ang nawalan ng kuryente.
Bagaman humina na ay inaasahan pa rin ang banta ng flash floods dahil sa bagyo.
Sa pamamagitan ng disaster declaration ni Trump ay magagamit ang federal funding para sa mga nasalanta ng hurricane kabilang ang paggawad ng ayuda sa property repairs at low-cost loans.
Ayon sa White House, bibisita ang presidente sa rehiyon sa susunod na linggo.
Ang mga nasawi ay isang mag-ina na nagsakan ng puno, isang 78 anyos na matandang lalaki na nakuryente, isang 77 anyos na lalaki na nasawi matapos hanginin at isang babae na namatay dahil sa cardiac arrest.
Ilan sa mga county sa Carolina ay nakatanggap na ng 60cm na volume ng tubig-ulan na inaasahan pang papalo sa 1m.