Marian Rivera walang nakikitang mali kung papasok sa pulitika ang asawa na si Dingdong Dantes

Walang nakikitang masama ang Kapuso actress na si Marian Rivera sa sinasabing pagpasok sa pulitika ng kanyang asawang si Dingdong Dantes.

Sa isang press conference, sinabi ng aktres sa media na mas mabuting sagutin ng kanyang asawa ang mga tanong tungkol sa pulitika.

Gayunman, para kay Marian, sakaling pasukin nga ng kanyang mister ang nasabing larangan ay kanyang sinabi na walang masama sa bagay na ito.

Anya, walang masama sa pangangarap lalo na kung ito ay para sa ikabubuti ng kapwa.

Sa ilang mga panayam sinabi ng aktres na talagang papasukin ni Dingdong ang pulitika ngunit hindi niya tiyak kung anong posisyon.

Napapabalitang tatakbo si Dingdong Dantes sa pagka-Senador.

Read more...