Bagyong Ompong bahagyang bumilis habang papalapit sa Southern China

Bahagyang bumilis ang pagkilos ng Bagyong Ompong habang kumikilos patungong Southern China.

Sa 2am press briefing ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 460 kilometro Kanluran ng Calayan, Cagayan.

Napanatili nito ang lakas ng hanging umaabot sa 145 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 180 kilometro kada oras.

Sa ngayon ay kumikilos na ito sa bilis na 30 kilometro kada oras sa direksyong Kanluran Hilagang-Kanluran.

Sa ngayon signal no. 1 na lang ang nakataas sa Batanes, Ilocos Norte, Ilocos Sur at La Union.

Samantala, patuloy namang hinahatak ng bagyo ang Habagat na magdadala ng mga pag-ulan na minsan ay may kalakasan sa Western Visayas, MIMAROPA, Batangas, Bataan, Zambales at Pangasinan.

Binabalaan pa rin ang mga maglalayag na mapanganib pa rin ang alon sa seabords ng Luzon at Visayas lalo na sa mga lugar na may storm warning signal.

Read more...