Presyo ng gasolina at diesel tataas na naman sa susunod na linggo

Inquirer file photo

Muling magtataas ng presyo ng kanilang mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa susunod na linggo.

Ayon sa ilang sources sa loob ng oil industry, aabot sa P0.60 kada litro ang dagdag sa presyo ng gasolina.

Aabot naman sa P0.20 ang dagdag presyo sa bawat litro ng diesel at ganoon rin sa presyo ng kerosene o gaas.

Ito na ang ika-anim na sunod na linggo na nagpatupad ng oil price hike ang mga oil companies.

Ang panibagong dagdag-presyo sa petrolyo ay bunga pa rin ng mahal na halaga ng fuel products sa world market at patuloy na paghina ng halaga ng piso laban sa dolyar.

Epektibo ang dagdag-singil alas-sais ng umaga sa araw ng Martes.

Read more...