Sa 12 noon weather bulletin ng Pagasa huling namataan ang bagyo 30 kilometro sa karagatan ng Laoag, Ilocos Norte.
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot ng 170-kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot naman sa 260-kilometers per hour.
Kumikilos ito ng pa-kanluran sa bilis na 25 kph.
Inalis na rin ng Pagasa ang Tropical Cyclone Warning Signal Number 4 sa ilang lugar.
Gayunman, nasa ilalim pa rin ng Tropical Cyclone Warning Signal Number 3 ang sumusunod na lugar : Cagayan, Babuyan Group Of Islands, Batanes, Ilocos Sur, Ilocos Norte, La Union, Mountain Province, Benguet, Ifugao, Kalinga, Apayao at Abra.
Samantala, nasa Tropical Cyclone Warning Signal Number 2 mga lalawigan ng Isabela, Nueva Vizcaya, Pangasinan, Tarlac, Nueva Ecija, Aurora, Zambales, Quirino, Pampanga at Bulacan
Nakataas naman ang Tropical Cyclone Warning Signal Number 1 sa lalawigan ng Bataan, Rizal, Metro Manila, Cavite, Batangas, Laguna, Lubang Island, Northern Quezon kasama ang Polillo Island.
Inaasahan na mamayang gabi o bukas ng umaga ay tuluyan nang makakalabas sa Philippine Area Of Responsibility (PAR) ang bagyong Ompong.