Mga kanseladong flights nadagdagan pa dahil sa Bagyong Ompong

Kanselado ang maraming biyahe ng eroplano mula ngayong araw, September 15 hanggang sa Lunes September 17.

Sa impormasyon mula sa Ninoy Aquino International Airport walang biyahe ang Philippine Airlines mula Manila patungo ng Hongkong, Seoul, Macau, Osaka at Xiamen.

Kanselado ang ilang mga domestic flights ng PAL na mula Maynila patungo ng Tagbilaran, Laoag City, Basco, Cagayan, Davao City, Siargao, Buswangga at Puerto Princesa City.

Kanselado din ang mga biyahe ng Cebu Pacific na patungo ng Tuguegarao, Cauayan, Cebu, Iloilo, Bacolod City, Butuan, Davao, General Santos at Puerto Princesa City.

Marami na ring kanseladong biyahe ng Air Asia Philippines dahil sa bagyo.

Sa abiso ng Air Asia kinansela ang ilan nilang domestic at international flights.

Kanselado din ang biyahe ng Air China na mula Maynila patungo ng Beijing at ang China Southern Airlines na biyaheng Manila to Guangzhou at pabalik ng Maynila.

September 15, Saturday Philippine Airlines

September 15, Sunday Philippine Airlines

September 17, Monday Cebu Pacific

 

Read more...